Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Buhain, Gastanes sa ‘Usapang Sports’

0 239

TAMPOK sa ikatlong “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sina two-time Olympian Eric Buhain at Philippine Olympic Committee (POC) secretary-general Atty. Edwin Gastanes.

Tatalakayin ni Buhain, na nakasungkit ng kabuuang 13 gold medals sa Southeast Asian Games mula 1985 hanggang 1993 at tinalaga bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) noong 2001 at Games and Amusement Board noong 2005, ang swimming para sa ‘new normal’.

Ibabahagi naman ni Gastanes, naglingkod bilang secretary-general of the Philippines Football Federation (PFF) at member ng Asian Football Confederation Legal Committee mula pa noong 2015, ang paghahanda ng mga atletang sasabak para sa 2021 Tokyo Olympics.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa talakayan, handog ng PSC at at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na magsisimula alas-10 ng umaga at mapapanood via livestream sa Facebook at YouTube. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.