Una sa Balita

Bugoy Drilon pinagtabuyan ng dyowa ni Jessica Sanchez

0 1,295

Nakakabilib naman si Bugoy Dri­lon nu’ng minsan itong makasama sa show ni Jessica Sanchez sa Cebu last December. Kahit pala inok­ray-okray na ito at itinaboy (read: pinalabas ng dressing room) ng Mexican boyfriend ni Sanchez, nakapag-perform pa rin ito at nagpaka-professional sa show.

Tila nagkamali raw yata ang producer ng show na pagsamahin sa iisang dressing room sina Sanchez at Bugoy. Kaya raw nang dumating si Bugoy sa venue at biglang pumasok sa room kung nasaan si Sanchez, agad daw itong tinanong ng mayabang umastang bf-bodyguard ni Sanchez at itinaboy palabas.

Ang nakakairita sa report na ito ay ni hindi man lang daw humingi ng apology si Sanchez at hinayaang itaboy ng jowa niya ang magaling na singer. Ni hindi nga raw pinansin ni Sanchez ang pagpapaalis kay Bugoy dahil feeling yata ng “has been” na American Idol runner-up na super sikat siya sa atin at keri lang na mag-asta sila ng ganu’n.

Naku, bigla talagang nag-init ang aming pakiramdam sa tsikang ito. Mabuti na lamang daw at mayaman ang producer ng show at hindi nanghinayang sa hindi naman pinag-usapan, much more pinagkakitaang show sa Cebu last holidays.
And yes, dagdag pa ng aming source, “mas pinansin at mas kilala pa ang mga kinanta ni Bugoy kesa kay Jessica.”

‘Yun ang malaking ‘pak.

Dating sexy actress may lihim na relasyon kay award-winning executive

Sa isang sport event kung saan pinarangalan ang isang kila­lang celebrity, nagtataka ang mga miron kung sino ang hinihintay ng isang dating sexy award-winning actress sa lobby ng isang kilalang hotel?

Kung kasama raw kasi si actress ng isa sa mga “executives” na awardee, dapat daw ay nasa loob ito ng venue at nakaupo sa VIP table.

Mapansin man daw siya doon ay dedma na lang marahil ang marami at mag-iisip na baka “business” aside from being a supporting friend ang idinayo dun ni actress.

“Mas lalo nga siyang napansin dahil nasa lobby lang siya kahit sabihin pang pakape-kape lang ang drama niya. Siyempre sikat siya dati, kaya may makakapansin sa kanya,” sey ng aming kausap.

At nakumpirma ngang kasama siya ng award-winning executive dahil nang lumabas at mawala ang grupo nito, bigla ring naglaho si actress kahit on-going pa ang naturang sport event.

May nagsabi pang diumano ay nakita silang magkasabay na sumakay ng elevator papunta sa car park.

‘Yun na!

Liza, Enrique palaban sa romansa

Pumunta ng New York sina Liza Soberano at Enrique Gil para kunan ang ilang eksena kaugnay ng movie nilang “Alone/Together,” ang balita naming Valentine movie offering ng Star Cinema.

Mula sa UP Campus at iba pang mga local location, kinailangan daw na lumipad sila sa New York para kunan ang supposedly “highlight” ng movie na siya ngang ika-lima (o anim?) na tambalan ng LizQuen.

Well, ito ‘yung movie na sinasabing nag-level up in terms of roles and acting, kaya’t huwag na raw nating pagtakhan kung mas daring na ang LizQuen sa mga eksenang “romance and intimate” lalo pa’t aminado na naman silang sa totoong buhay ay nagkakamabutihan na sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy