Una sa Balita

Bugok

By
0 104

Alam ng mga nagpo-poultry na sadyang ‘di maiiwasan na mahaluan ng mga bugok ang itlog mula sa kanilang mga pangitluging mga alaga.

Bunga ito ng kakulangan sa fertilization process o dulot ng iba pang mga sanhi.

Ganyan din ang kasabihan nating mga Pilipino na tiyak na may ahas sa bawat gubat.

Abante Hiring – IT dep

Nitong nakaraang buwan, ilang mga bugok sa Philippine National Police ang inilantad ng pamunuan nito sa pangunguna ni Chief PNP Oscar Albayalde at NCRPO Director Guillermo Eleazar. Tulad nila, sadyang nakakagil na makitang sa kabila ng mga pagsisikap na i-professionalize at ibangon ang imahe ng pulis ay may mga bugok pa ring nakakalusot na humihila sa buong organi­sasyon pababa. Mas nakakagigil pa na sa mga paglalantad na naganap, tila mga bagong salta pa ang mga sangkot.

Nariyan ang kaso ni PO1 Eduardo Valencia, isang rookie, na pinaniniwalaang nanghalay sa 15-anyos na anak ng isang drug suspect. Habang totoo na matagal nang modus ng mga suspek na perwisyuhin at buweltahan ng kaso ang pulis na umaresto sa kanila, napakahirap naman yatang dayain ang resulta ng medico legal na nagpapakitang hinalay nga ang menor de edad.

Isa pang PO1, si Redentor Bautista, ang nasakote naman na gumagamit ng cocaine sa isang high-end na club sa kabila ng pagiging nasa “heightened alert” ng PNP bilang pagsalubong sa Undas. Ayon sa mga ulat, nagsinungaling itong si PO1 Bautista sa kanyang commander at sinabing may sakit ito para hindi mag-report sa trabaho ngunit ay makiki-Halloween party lang pala. Ipinagmalaki pa umano ito na may matibay itong backer na kamag-anak na drug-lord.

Higit namang nakakabahala ang nabulgar na kontrobersiya sa Philippine National Police Academy na kinasangkutan ng mga graduating pa lamang na kadete. Ang mga nasangkot ay magiging mga opisyal ng pulisya kung sakaling nakapagtapos sila. Nabuko ang ipinagawa nilang kahalayan sa kanilang mga lower classmen. Bilang parusa umano sa mga mas nakabababa, pinilit nilang mag-oral sex sa isa’t isa ang dalawang batang kadete habang pinapanood nila.

Mahalagang tandaan na ang PNP ay binubuo ng halos 200,000 mga tauhan. Nais nating isipin na sadyang mabubuti, responsable at maaasahan ang pulisya sa kabila ng mga bugok na miyembro nito.

Bilang mga responsableng mamamayan na kaisa ni Gen. Albayalde, ihayag at iulat natin ang mga bugok na nakikita natin. Nang sa gayon, mahiwalay ang mga bugok sa mga maaayos at higit pang mapabuti ang serbisyo ng pulis sa ating bayan.