Una sa Balita

Bugle Notes wagi sa Cojuangco Cup

0 338

HUMARUROT si Bugle­ Notes, ginulantang ang mga elite na kabayong pangarera kabilang ang two-time defending­ champion at Triple Crown winner, para magwagi sa 2019 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup Linggo sa Saddle & Clubs Leisure Park Racetrack sa Naic, Cavite.

Sakay si jockey Jona­than B. Hernandez, nagparamdam ng bilis si Bugle Notes sa kalagitnaan ng takbuhan matapos pumuwestong ikatlo lang sa pagbukas ng aparato.

Inungusan niya si Viva Morena at pinakain nang alikabok ang mga karibal upang manalo ng six-length sa karerang nagbibigay pugay sa San Miguel Corp. Chairman, na stalwart din sa horseracing industry.

Highlight din nitong weekend ang 24th Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) Breeder’s Championships.

Related Posts

Tumapos si Bugle Notes ng 2:00.4 sa 2,000-meter race.

“Ginandahan lang po ang alis. Pag-break in, bandera kaagad ako. Ang instruction, ang pinakamasamang puwesto sa ganitong kadami na kabayo, pang-apat o panlima. Pero napaganda pa kasi na­ging pangatlo kaagad.

Pagdating ng medya milya, inaalagaan ko na puwesto ko, hinintay ko na rekta. Noong hinila ko, madami pa, punong puno pa,” kwento ni Hernandez.

Ang panalo ni Bugle Notes ay may premyong P1.8 million mula sa total guaranteed purse na P3.15 million mula sa Philippine Racing Commission, at tumuldok sa two-year reign ng SC Stockfarm bet na si Hitting Spree.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy