Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bugbugan nina Vice, Jhong, Vhong nalantad sa Twitter

0 465

Dahil sa video ng tatlong batang naga-away, nalantad ang ‘pananakit’ nina Vhong Navarro, Jhong Hilario kay Vice Ganda, at damay rin si Anne Curtis.

Nag-tweet si @fANNEsinceDYOSA ng video ng talakan ng tatlong bata.

Nilagyan niya ng mga pangalan nina Vice, Vhong, Jhong, Anne ang bawat bata.

Naka-tag ito kay Vice, at agad itong nag-react.

“Bwahahaha!!’ Ganyan kami sa dressing room! Pero binubugbog po nila ko! Pinagmamalupitan po ako lagi ni @VhongX44 at @jhongsample tapos nanunuod lang si @annecurtissmith!” sabi ni Vice.

Kinontra ito ni Jhong at nagsabing sinasampal siya lagi ni Vice.

“Hoy ikaw yung nanggugulpi @vicegandako. Nanampal ka na lang bigla! Diba @VhongX44 and @annecurtissmith Mali ang pagkakalagay ng pangalan niyan!” say ni Jhong.

Hirit ni Vhong, “Ay grabe sya! kawawa kaya kami ni kuys @jhongsample sa inyo ni @annecurtissmith lagi niyo kaming sinasaktan backstage! Aray ko! Naalala ko na naman yung kahapon na pagsipa mo sa likod ko!”

Well, tuksuhan, biruan lang nila `yon, at napapanood naman sa kanilang programa na may mga pagkakataong sa gitna ng kanilang mga harutan hindi maiwasang magkasakitan sila.

Rose Van atras sa paghuhubo

Hindi sasabay sa mga bagong sexy star ng Viva si Rose Van Ginkel, isa sa mga bida ng pelikulang “69+1” na nagtatampok din kina Maui Taylor, Janno Gibbs.

Sabi ni Rose, hindi niya kaya ang mag-frontal o gumawa ng mga sobrang mapangahas na eksena. Malayo raw siya sa karakter na ginagampanan niya sa pelikula nila, kahit palagi siyang naka-bikini sa Instagram.

May mga insecurity rin daw siya sa katawan, at ang pagpu-post ng mga bikini photo niya ang paraan para ma-appreciate niya ang body niya.

Gustong ipagawa ni Rose ang kanyang legs, dahil malaki raw. Swimmer kasi ang dalaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.