Una sa Balita

2018 ABANTEN SCANDAL: Bugbugan, demandahan, manyakan, hiwalayan namayani sa 2018

0 1,617

Dalawang linggo na lang at magpapalit na ang pahina ng kalendaryo. Ang bilis ng panahon.

Ito na nga ang huling a-kinse ng 2018, at ang susunod na a-kinse ay 2019 na! Parang kailan lang, tanda ko pa ang mga kaganapan nu’ng Janua­ry 2018, pero heto nga at naamoy na natin ang January 2019.

Anyway, ano-ano nga ba ang malalaking kaganapan sa showbiz ngayong 2018? Mga iskandalong tumatak sa puso, isipan ng mga Filipino?

Balikan natin ang mga naging eskandalo sa showbiz ng taong 2018…

***

1. Hindi buo ang showbiz kapag walang eskandalo si Kris Aquino. Nitong 2018 ay muling nag-ingay si Kris dahil sa pag-file niya ng kaso laban sa former business partner na si Nicko Falcis II.Ayon sa Queen of all Media, nagnakaw diumano ng mga fund si Falcis mula sa kanyang kumpanya na Kris Cojuangco Aquino Productions at ginamit for personal expenses. Managing director si Falcis ng KCAP. Pinagtanggol si Falcis ng kapatid nito at nag-deny na walang ninakaw ang kanyang kapatid bagkus nakatanggap pa raw sila ng mga death threats mula kay Kris.

***

2. Nakakawindang ang paglabas ni Barbie Imperial ng mga photo kunsaan may mga pasa siya sa dibdib at kalmot sa braso na caption na: “No to physical abuse. NEVER AGAIN.”
Ito umano ay pagpapakita ni Barbie sa sinapit sa kamay ng boyfriend na si Paul Salas sa pagiging seloso nito. Nagselos diumano si Paul sa leading man ni Barbie sa teleserye na Araw Gabi na si JM de Guzman.

***

3. Pagkatapos lumabas ang mga pasa sa katawan ni Janella Salvador, sinundan ito ng isang tweet ng aktres tungkol sa pang-aabuso.
Ang boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona ang siyang naging culprit sa mga natamong pasa nito.
Ngayon ay nagsalita na si Janella tungkol sa nangyaring paghihiwalay nila ni Elmo. Inamin din ng aktres na dalawang beses siyang pinagbuhatan ng kamay ni Elmo.
Nagpatingin pa raw sa isang psychologist si Janella dahil sa pangyayaring ito.

***

4. Banned nang pumasok sa ating bansa ang Thai internet sensation na si Mader Sitang pagkatapos ng apela ng naging manager at producer nito na si Wilbert Tolentino sa Bureau of Immigration.
Humingi diumano ng higit sa P31 million na ta­lent fee si Mader Sitang, kasama pa ang pagbili ng isang bahay sa Thailand at nagpakita ito ng hostile behavior.
Sinampahan ng abogado ni Tolentino ng breach of contract at estafa si Mader Sitang.
Sa ginawang petition ni Tolentino sa Philippine Embassy in Thailand, pinapa-declare niya na isang “persona non grata” si Mader Sitang sa Pilipinas.

***

5. Bagama’t nag-deny na si Janno Gibbs tungkol dito, marami pa rin ang naniniwala na siya ang lalakeng nasa picture na labas ang pagkalalake na kumalat sa social media.
Unang lumabas sa isang gay website ang dalawang photo na ang una ay may mukha ni Janno at ‘yung pangalawa ay ang naka-expose niyang sandata.
Pareho kasi ang bed sheet at pillow sheet sa dalawang photo. At may nag-confirm na paboritong underwear ni Janno ay black.

Wala ngang pinatutunguhan ang career ngayon ni Janno kahit na nakapirma siya sa Star Music ng ABS-CBN 2, naging emote niya ang di pagkakasali sa Christmas ID station at Christmas special ng Kapamil­ya network.

***

6. Pagkatapos ibunyag ni Miss Earth Canada ang pangha-harass sa kanya ng isang major sponsor ng Miss Earth pa­geant, nagsalita na rin ang ilang candidate tulad nina Miss Earth England at Miss Earth Guam na hinarass din sila ng lalakeng nagngangalang Amado Cruz.
In-encourage pa raw ng Miss Earth organizer ang mga candidate na i-report ang experience nila na hindi maganda at tutulong daw siya kung nais nilang sampahan ng kaso ang nang-harass sa kanila.

Nilinaw ni Shuck na hindi official sponsor si Amado Cruz ng Miss Earth pageant.
Naging host lang daw ito para sa mga contestants ng Miss Earth dahil pag-aari nito ang ilang restaurants na malapit sa Manila Yacht Club at Intramuros kunsaan nag-tour ang mga babae.

***

7. Pagkatapos ng 19 years bilang mag-asawa, naghiwalay sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.
Ilang weeks pa lang after ng paghihiwalay nila, nakita si Romnick na may kasamang isang babae. Ito raw ang nababalitang girl na matagal nang tinatago ni Romnick kung kanino meron siyang isang anak.

***

8. Kahit walang kinukumpirma, marami ang nagsasabi na may baby na nga sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Nag-post si JLC ng pagbili nito ng mga gamit para sa baby nursery.
May mga nagpatunay na nanganak na si Ellen pero super-tikom pa rin ang mga bibig nilang dalawa hanggang sa ilabas na nila ang baby boy nila na may name na Elias Modesto.
Kasalukuyan ding may kinakaharap na kasong child abuse and cybercrime si Ellen sa pangha-harass umano nito sa isang minor na pinaratangang palihim silang kinukuhanan ni JLC sa isang restaurant.

***

9. Nagkagulo ang mga netizen sa isang throwback photo na pinost ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Ins­tagram.
Pinost ni Pia ang isang photo kunsaan kumakain siya ng midnight snack sa loob ng banyo ng kanyang hotel room pagkatapos ng ABS-CBN Ball.
Umandar ang malisyosong imahinasyon ng mga netizen dahil sa reflection ng salamin sa banyo, na may isang kamay ng lalake na parang hawak-hawak nito ang kanyang pagkalalake. Sinasabing ito raw ang boyfriend ni Pia na si Marlon Stockinger at parang may ginagawa silang milagro sa banyo!
Ayon kay Pia, marami raw sila sa hotel room niya at ang nakita nilang kamay ay kasamahan niya na tutulong sa kanyang tanggalin ang kanyang wig, make-up at kung anu-ano pa sa suot niya noong gabing iyon.

***

10. Nagulat ang marami sa balitang tangkang pagpapakamatay ni Diego Loyzaga noong nakaraang November 8.
Tahimik lang ang aktor, pati na ang pamilya nito sa sensitibong issue at napag-alaman na kasalukuyang nasa Amerika na si Diego at iniwan na nito ang ilang showbiz commitments, kasama na rito ang teleserye na pinagbibidahan niya na Los Bastardos. Walang may alam kung babalik pa ba si Diego sa showbiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More