Una sa Balita

Buffalo Dairy Capital target ng NE

By
0 133

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija — Tatangkain sa taong ito ng lalawigan ng Nueva Ecija na makuha ang korona bilang ‘Buffalo Dairy Capital ng Pilipinas’.

Ito ay ayon kay Acting Executive Director ng Philippine Carabao Center (PCC) Arnel del Barrio.

Sa paliwanag ni Del Barrio, kakayanin nga­yong taon na maabot ng lalawigan ang 1.5 milyong litro na produksyon sa gatas ng kalabaw at susubuking abutin ang 2 milyong litro sa susunod na dalawang taon.

Batay sa tala ng PCC simula taong 2013 hanggang 2015 ay nasa 7.2 milyong litrong gatas ng kalabaw ang kabuuang produksyon sa buong bansa at halos 28% ang mula sa Nueva Ecija.

Ani Del Barrio na mandato ng PCC na mapanati­ling sapat ang suplay ng gatas ng kalabaw sa bansa at ipagpatuloy ang tulong sa mga lokal na magsasaka.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy