Una sa Balita

Budget sa pabahay, kinatay

By
0 1

Umalma ang oposisyon sa Senado dahil sa ginawang pagkatay sa budget ng pabahay sa susunod na taon.

Tinawag na kawalan ng katarungan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang 70 porsyentong bawas sa budget ng housin­g sector.

Tinukoy ni Drilon ang P4.4 bilyon na budget para sa housing sector sa 2018 mula sa P15.3 bilyon ngayon­g taon.

Sa plenary deliberation ng panukalang budget ng pamahalaan, iginiit ni Drilon na gagamitin ang ‘excess fats’ sa panukalang P3.77 trilyon 2018 national budget upang tugunan ang 1.2 milyon housing backlog sa bansa.

Iginiit ng lider ng oposisyon sa Senado na mahalaga ang pagpopondo­ para matugunan ang panga­ngailangan ng mahihirap at ang malaking bawas sa budget para sa kanila ay maling polisiya.

Paliwanag naman ni Senador JV Ejercito, ang mabagal na paggastos ang pangunahing dahilan ng pagbabawas ng budge­t sa National Housing Authorit­y (NHA).

Hindi naman kumbinsido si Drilon sa naturan­g dahilan kasabay ng pahaya­g na hindi dapat isakripisy­o ang taumbayan sa mga sinasabing kapalpakan­.

Aminado naman si Ejercito na kung hindi matutugunan ang kailangang pondo ay posibleng lumobo sa anim na milyon ang housing backlog sa 2022.

“Backlog now is 1.2 million, ‘yung immediate talaga na kailangang-kailangan as of the moment, if we do not increase the production, tataas pa ito,” babala ni Ejercito. ()