Una sa Balita

Budget ng CHR hindi na P1K

By
0 3

Bumigay din ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos bigyan ng go signal ang House committee on appropriations para ibalik ang orihinal na budget proposal ng Commission on Human Rights (CHR).

Ito ng kinumpirma kagabi ni House Appropriations Committee chair Karlo Nograles, matapos magpulong ang 7-man panel na binuo para tanggapin ang mga individual amendments ng mga mambabatas sa Kamara sa 2018 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P3.767 trillion.

Bukod sa CHR, binigyan din ng tig-P1,000 budget ang Energy Regulatory Commission (ERC) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong nakaraang linggo.

Gayunpaman, sinabi ni Nograles na nagpasya si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na ibalik ang orihinal na budget ng tatlong nabanggit na ahensya matapos lumapit sa kanya at kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas sina CHR Chairman Chito Gascon, ERC Commissioner Geronimo Sta. Anak at NCIP Chairman Leonor Oralde-Quintayo para maging tulay sa lider ng Kamara.

Hinarap naman umano ni Alvarez si Gascon kung saan nangako aniya ito na hindi lamang ang mga paglabag ng mga state agents sa karapatang pantao ang kanilang iimbestigahan kundi maging ang kaso ng mga pulis at militar na biktima rin ng human rights violations.

“The Speaker basically told Chairman Gascon that we are not the enemy. The Duterte government is not the enemy. We are one with the CHR in the fight against all forms of human rights violation but they must start looking also at the violations committed by criminals and insurgents,” ani Nograles.

Nangako din umano ang ERC at NCIP na gagampanan ang kanilang mandato na proteksyunan ang interes ng mamamayan at tumulong sa kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno.

“The dialogue was very frank but cordial. In the end, the Speaker was magnanimous in his decision and gave the green light to restoring their budget,” ayon pa kay Nograles.

Dahil dito, mananatili ang P678 million proposed budget ng CHR sa 2018, P650.9 million ng ERC at P1.13 billion ng NCIP.
Naghahanda na Kamara para sa ikatlo at huling pagbasa ng 2018 General Appropriations Act sa susunod na linggo bago ito ibigay sa Senado.