Budget ng AFP mapupunta sa ‘bounty hunting’ vs NPA?

By

Bubusisiin ng isang mambabatas ang 2018 budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak na hindi magagamit ang pondo na pambayad sa mga ‘bounty hunters’ na tutugis sa mga kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat tiyakin ng Kamara na walang mapupunta sa pondo ng Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and local Government (DILG) para sa ganitong uri ng murderous acts.

“If allowed, it is like giving incentive to kill more Filipinos who are just fighting for their rights. The best approach for this is to push for the resumption of the peace negotiations and the signing and proper implementation of the agreements between the two parties,” ani Zarate.

Aminado si Zarate na hindi kapani-paniwala ang pagtanggi ng AFP na wala sa kanilang polisya ang magbigay ng reward at walang katotohanan na nag-alok ng P100,000 bounty ang AFP para sa bawat NPA members na mahuhuling ‘dead or alive’.

May hinala rin ang mambabatas na posibleng manggaling ang pondo sa mga local government units na gustong tumulong sa kampanya ng militar sa laban sa mga organized groups gaya ng NPA.

Nababahala si Zarate na baka pagkakitaan lamang ng mga tiwali sa militar ang pag-aalok ng reward sa mga makakahuli ng rebelde.

SHARE