Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BuCor chief positibo sa COVID

0 184

Inanunsyo ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag na nagpositibo siya sa nakahahawang sakit na COVID-19.

Bukod pa kay Bantag, tinamaan din ng coronavirus ang kanyang drayber at close-in security mula Special Action Force.

“Apat na kaming positive. Tatlo tinrangkaso, tapos 1 driver ko unang nag-positive, tapos isang security ko, tapos si [Bucor Spokesperson Gabriel Chaclag], tapos ako na,” lahad ng BuCor head.

Nakaranas umano si Bantag ng mga sintomas noong Biyernes, isang araw matapos niyang magpa-swab test kasabay ang walo niyang close-in security, apat na drayber, at isang staff.

Tuloy pa rin ang trabaho nito habang kinukumpleto ang kanyang 14-day quarantine.

“Makapag-work pa rin ako habang quarantine, through call and text ako magbibigay ng instructions sa mga tauhan ko,” aniya pa. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.