Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BuCor butata: Pagpader sa Bilibid inawat ng DOJ

0 239

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Corrections (BuCor) na itigil ang konstruksiyon ng pader sa gitna ng kalsada sa Barangay Poblacion , Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kinakailangan munang magsagawa ng kaukulang konsultasyon sa local government at barangay kaugnay sa konstruksiyon ng pader.

Nabatid na hindi umano inabisuhan ng BuCor ang DOJ sa paglalagay nila ng pader sa gitna ng kalsada sa nabanggit na barangay.

Nabatid na sinira ng mga residente ang inilagay na pader dahil hinaharangan umano nito ang daan ng mga residente ng Katarungan Village 1 at 2 papunta sa city proper.

Sinabi rin ni Muntinlupa City Mayor Jimmy Fresnedi na hinarangan rin nito ang ruta ng mga guro at estudyante papunta sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa at Muntinlupa National High School. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.