Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BuCor: Autopsy report ni Nuezca nasa NBI pa

0 265

Nasa National Bureau of Investigation (NBI) pa ang resulta ng autopsy sa pagkamatay ng ex-killer cop na si Jonel Nuezca.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Bureau of Correction Spokesman Assistant Sec. Gabriel Chaclag sa harap ng mga pagdududa ng publiko na may foul play sa pagkamatay nito.

Sinabi ni Chaclag na umaasa silang makukuha ang autopsy report sa loob ng linggong ito para mabuo na nila ang full investigation report at matuldukan ang mga pagdududa sa pagkamatay ng dating pulis.

“Yun pong result ng autopsy ni Jonel Nuezca ay wala pa atin, nasa NBI medico legal team pa at we expect na sana this week ay mai-submit na natin para mabuo natin yung full investigation report,” ani Chaclag.

Nanindigan ang opisyal na natural cause ang ikinamatay ng killer ex-cop dahil wala aniyang nakita ang mga duktor na nag-eksamin kay Nuezca ng palatandaan na dumanas ito ng pahirap.

Mismong ang mga kasamahan ni Nuezca na mga kaibigan nito ang nagsabing walang kaaway ang dating pulis sa loob ng kulungan kaya ang resulta ang autopsy ang magtutuldok sa mga pagdududa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.