Una sa Balita

Buboy, ikaw na talaga!

By
0 1,304

Oras na ni Buboy.

Sa nagdaang 17 taon ng tambalan nina Manny Pacquiao at American trainer Freddie Roach, palagi lang alalay ang ‘wisyo ni Restituto ‘Buboy’ Fernandez.
Hindi na ngayon.

Sa unang pagkaka­taon, magsisilbing head trainer sa paparating na July 15 date ni Pacquiao laban kay Argentinian Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, at ayon sa matagal na panahong promoter ng Pinoy na si Top Rank CEO Bob Arum, may kakayahan si Fernandez.

Abante Hiring – IT dep

“He (Fernandez) is a very knowledgeable guy and he has the ability to communicate with Pacquiao. And so I think having Buboy as the head trainer could really work. I think it has a chance of working well,” ayon kay Arum sa panayam kamakailan.

Unang laban ito ng eight-division champion sapol nang maagawan ng WBO 147-pound title ng hometown hero Jeff Horn sa Brisbane, Australia noong Hulyo 2017.

Susubukang agawin ni Pacquiao, 39, ang WBA welterweight belt ng hard puncher ding si Matthysse, 35.