Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘BTS sa Kongreso’ eeksena

0 114

Pangungunahan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang opisyal na paglulunsad ngayon ng bubuin nilang bagong grupo sa Kamara na tatawaging ‘BTS sa Kongreso’ na mula sa pangalan ng kilalang ‘South Korean boyband.’

Magsisilbi umano ang grupo bilang boses ng mga hindi sang-ayon sa mga polisiyang isinusulong ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco.

Tulad ng naturang boy band na may anim na miyembro, kasama rin ni Cayetano ang anim nitong kilalang malapit sa kanya na kinabibilangan nina Camarines Sur Rep.Luis Raymund Villafuerte Jr.;Laguna Rep. Dan Fernandez;Batangas Rep. Raneo Abu;Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor; Bulacan Rep.Jose Antonio Sy-Alvarado at Capiz Rep. Fredenil Castro.

Magugunitang sina Villafuerte, Fernandez, Abu, at Castro ay pawang dating deputy speakers ni Cayetano.

Habang sina Sy-Alvarado at Defensor, ay chairman ng House Committees on Good Government and Public Accountability, at Public Accounts, ayon sa pagkakasunod.

Sa abiso ng tanggapan ni Cayetano, gaganapin ang paglulunsad ng grupo ngayong ala 1:00 ng hapon sa Quezon City.(Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.