Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BSP ‘suka’ ng P52M sa bagong logo

0 1,053

Aabot sa P52.5 milyon ang inilaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa bagong logo na ipinasilip nito noong nakaraang linggo.

Base sa mga dokumento ng BSP, P30 milyon ang budget nito para sa “public relations and advertising programs for BSP branding”, kasama na ang mga circular, advisories, notices at iba pang ipapa-advertise nito sa radio, TV, at mga pahayagan ngayong taon. Ang plano ay ipapa- public bidding ito noong unang kalahati ng taon at ia-award ang kontrata at magpipirmahan ng 2nd quarter or third quarter, o pasok sa panahong naka-lockdown ang Metro Manila kung nasaan ang karamihan sa mga advertising at public relations agencies.

Ayon sa mga dokumento, P15 milyon naman ang budget ng BSP para sa “production and replication of AVP/Ad materials for TV/Radio and kinescope materials for cinema ads for BSP branding and other programs…”

Ang anunsiyo para sa public bidding ay naka schedule nung first at second quarter ng taon at ang pag- award at pirmahan ng contract ay naka-schedule noong 2nd hanggang 3rd quarter ng taon.

SM food to go Banner Ad

Iba pa ang P7.5 milyon sa tinatawag nitong public relations at advertising programs o social media buyer.

Tinanong ng Abante si BSP corporate affairs manager Elisha Lirio kung ang budget para sa social media ay pambayad sa troll farms pero wala pa itong pahayag as of press time.

Hindi rin sinasabi ni Lirio kung aling ahensiya ang gumawa ng bagong logo.

Ang budget para sa branding ng BSP ay napapailalim sa corporate affairs office nito kasama ng P3.1-milyong sa consultant. Wala sa budget ang focused group discussion (FGD) na ginagawa ng mga ahensiya para mapulsuhan ang reaksyon ng mga tao sa ilalabas na material para maayos ang mga ito bago ikalat sa lahat. Wala ring ginawang FGD ang BSP nang inilabas ang New Generation Currency coins nung 2018 na inirereklamo ng mga jeepney drivers at tindera dahil madaling pagkamalan ang P5 na lumang piso. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.