Una sa Balita

BSP pipigain ng BIR

0 276

BINUBUSISI ng Bureau of Internal Revenue ang mga libro ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-asang may masisingil pa ritong karagdagang buwis.

Inisyuhan ng BIR ng Letter of Authority ang BSP noong Hunyo 2018 at kasalukuyan pa itong nag-o-audit at nag-e-examine ng mga libro at accounting record ng BSP.

Ang BIR ay napapailalim sa Department of Finance na pinamumunuan ni Secretary Carlos Dominguez III na nakaupo rin bilang miyembro ng Monetary Board ng BSP.

May mga kaso sa Court of Tax Appeals ang BSP para sa mga deficiency tax nito noong 2009 at 2010.

Siningil ng BIR ang BSP nu’ng 2013 para sa deficiency tax nu’ng 2009 na umaabot sa P3.8 bilyon at deficiency tax na umaabot naman sa P9.4 bilyon para sa taong 2010.

Nakipag-areglo ang BSP sa BIR at nagbayad ito ng P667 milyon para sa 2009 at P2.1 bilyon para sa 2010 at ang settlement ay aprubado ng BIR. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy