Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BSP humihingi ng waiver sa UCPB, Landbank

0 47

Ayaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na managot sa ano mang mali o palpak na kahihinatnan sa pinaplanong pagbili ng Land Bank of the Philippines sa shares ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na nagkakahalagang P12 bilyon.

Ayon kay BSP director Rosilio Prado, naglabas ang Monetary Board ng BSP ng Resolution No. 618 noong May 20, 2021 na nag-aapruba sa request ng Landbank at Philippine Deposit Insurance Corp. para bilhin ng Landbank ang shares sa UCPB na hawak ng PDIC na ang katumbas ay 88.9% ng mga voting shares nito.

Giit ni Prado sa liham sa UCPB board of directors, kailangang isaad ng Landbank at PDIC sa kasunduan na hindi nila hahabulin ang BSP sa ano mang aberyang mangyayari kaugnay sa pagbili ng Landbank ng shares ng PDIC sa UCPB.
Si Finance Secretary Carlos Dominguez III ay chairman ng Landbank pati na ng PDIC. Si Dominguez ay miyembro din ng Monetary Board.

Sabi ni Prado, kaila­ngang sundin ng PDIC at Landbank ang terms and conditions na ilalagay sa EO. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.