Una sa Balita

BSP dollar reserve nabawasan ng $4.6B

By
0 557

Nasa $4.678 bilyon na ang nabawas sa dolyar, ginto at iba pang foreig­n currency na hawak ng Bangko Sentral ng Pilipinas simula noong E­nero.

Ang Gross International Reserves (GIR)–ang dolyar, ginto at foreign currency reserves na nasa BSP–ay isa sa mga panukat sa lakas ng ekonomiya. Nababawasan ito ‘pag hindi sapat ang foreign currency na pu­mapasok sa bansa mula sa mga foreign investment at export, kumpara sa binabayad ng Pilipinas para sa mga iniaangkat nito at pinambabayad ng utang. Maaari itong ibsan sa pamamagitan ng pag-utang sa ibang mga bansa ng dolyar, yen, o euro.

Sabi ng BSP, nasa $76.89 bilyon na lang ang GIR noong Hulyo dahil sa nagbayad ang pamahalaan ng foreign debt at sa pagbaba ng presyo ng ginto sa international market. Nag-umpisa ang taon na $81.57 bilyon ang GIR.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ng BSP, sapat pa naman ang GIR para bayaran ang iaangkat ng bansa sa loob ng mahi­git pitong buwan, at sapat din ito para mabayaran ang mga utang sa ibang bansa sa darating na anim na buwan.