Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BSP-Diokno P1.7B national ID project yari sa Ombudsman

0 212

SINAMPAHAN ng kasong graft sa Ombudsman si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno at iba pang opisyal ng ahensya matapos igawad ang P1.75B national ID system project sa isang private firm nang hindi dumadaan sa public bidding.

Maliban kay Diokno, kasama sa kinasuhan ang mga miyembro ng BSP Bids and Awards Committee na sina Prudence Angelita Kasala, Rogel Joseph del Rosario, Carl Cesar Bibat, Marianne Santos, Salvador del Mundo at Giovanni Israel Joson.

Batay sa isinampang reklamo ni Ricardo Fulgencio IV ng Stop Corruption Organization of the Phi­lippines, Inc. pinapaboran umano ng BSP ang kompanyang OVD Kinegram nang atasan ang mga bidder at ang nanalong bidder sa National ID project na bumili ng raw materials sa nasabing kompanya.

“Diokno and other BSP officials of requiring the bidders—including winning bidder Allcard International—to procure raw materials such as diffractive optically variable image device (DOVID) materials and polycarbonate sheets from a firm identified as OVD Kinegram, giving the latter undue advantage in the process,” nakasaad sa reklamo.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sa kabila ng nasabing reklamo ay iginiit ng Malacañang na tiwala pa rin ang Pangulo kay Diokno.

“Naninidigan tayo sa integridad ni Governor Diokno at alam naman natin na karapatan ng kahit sino ang magsampa ng kaso. Pero kampante po kami at nagtitiwala na magbibigay linaw po si Governor Diokno sa issue na ito,” giit ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Handa namang harapin ni Diokno at lima pang opisyal ng BSP sa tamang forum kung kinakailangan ang reklamo tungkol sa katiwalian kaugnay sa pag-iimprenta ng cards para sa National ID na nakuha.

“As regards the complaint filed with the Ombudsman relative to the procurement for the printing of cards for the National ID System, rest assured that the BSP officials concerned will respond in the proper forum once required in accordance with applicable rules,” sabi ng BSP sa pahayag kahapon.

Sinusuportahan ng BSP ang paglatag ng national ID dahil ito ang susi para sa tinatawag nitong financial inclusion kung saan mas marami ang magkaka-account sa bangko o iba pang financial institutions. (Tina Mendoza/Prince Golez/Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.