Una sa Balita

BSKE gawin sa Oktubre 2022

0 194

SUPORTADO ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang panukalang ipagpaliban ang nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Iminungkahi ng bagitong senador na idaos na lamang ang BSKE sa Oktubre 2022, matapos ang May 2022 Presidential elections.

Paliwanag ni Senador Go, kung idaraos ang BSKE sa naturang petsa ay mabibigyan ang susunod na halal na Pangulo at mga bagong barangay official ng pagkakataon na magkatuwang sa pagtatrabaho at pagpapatupad ng kanilang mga programa.

Inihalimbawa pa ng senador na nang mahalal si Pang. Rodrigo Duterte noong 2016 ay inabot pa ng dalawang taon bago nagkaroon ng mga bagong barangay at SK official para sumuporta sa kampanya ng administrasyon laban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

“If we move the next barangay elections following or immediately after the national elections in 2022, we would then have a new set of leaders from the barangay all the way to the national level. The next administration can buckle down and set a new direction,” paliwanag pa niya.

Kumpiyansa naman si Go na magagampanan ng Commission on Elections nang maayos ang kanilang tungkulin kahit limang buwan lamang ang pagitan ng national elections at BSKE, dahil nagawa naman na nila ito noon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy