Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bryant Hall of Famer na

0 55

NASA Naismith Memorial Basketball Hall of Fame na si Kobe Bryant, kasama ang mga kapanabayan sa NBA na sina Tim Duncan at Kevin Garnett.

Si Michael Jordan ang presenter ni Kobe, si Vanessa Bryant ang nagbigay ng speech para sa asawa Sabado ng gabi sa Uncasville, Connecticut.

Noong isang taon pa dapat ang enshrinement pero na-delay ng pandemic.

“Right now, I’m sure he’s laughing in heaven, because I’m about to praise him in public,” ani Vanessa, naka-purple dress kakulay ng tradisyunal na jersey ng Los Angeles Lakers.

Nasa Class of 2020 din sina coach Rudy Tomjanovich, ex- WNBA star Tamika Catchings, three-time NCAA champion coach Kim Mulkey, coach Eddie Sutton, 1,000-game winner Barbara Stevens at long-time FIBA secretary general Patrick Baumann.

May video message sina dating NBA commissioner David Stern at si Kobe mismo. Namatay si Stern noong Jan. 1, 2020, si Kobe sa helicopter crash noong Jan. 26, 2020 kasama ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.