Una sa Balita

Bryan Sy ng WellMed laya na

0 246

NAKALABAS na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Dr. Bryan Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center sa Quezon City matapos ang anim na araw na detensiyon makaraang makapagpiyansa ang kanyang abogado ng hala­gang P72,000 sa Manila Metropolitan Trial Court Branch 6 noong Sabado.

Sinabi ni Atty. Rowell Ilagan, abogado ni Sy, na alas-10:30 ng umaga kahapon nang makaalis si Sy sa NBI.

Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesman Markk Perete na “nothing prevents the accused from applying for bail anytime between the issuance of the resolution finding probable cause and the filing of the information in court”.

Magugunita na si Sy ay hindi na nakalabas ng NBI noong Lunes nang magtungo para magpaliwanag sa alegasyon ng kanyang mga dating empleyado na sina Edwin Roberto at Liezl de Leon na nagki-claim ito sa Philippine Health Insurance ng ‘ghost dialysis’ payment kahit matagal ng patay ang mga pasyente.

Umabot na umano sa may P800,000 ang nakuha ni Sy sa PhilHealth sa ghost claim mula 2016 hanggang 2018.

Nabatid na noong Biyernes ay naglabas ng resolusyon ang DOJ na nagdiin kay Sy, Roberto at de Leon sa kasong complex crime of estafa thru falsifications of documents.

Matatandaan na sumulat pa ang kampo ni Sy kay Justice Secretary Menar­do Guevarra para palayain si Sy dahil lampas na ang 36 na oras ay hindi pa ito nasasampahan ng kaso pero hindi na ito naaksyunan matapos na magpalabas ng resolusyon ang DOJ. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy