Una sa Balita

Brunei magpapahiram ng helicopter sa SEAG

0 189

MAGPAPAHIRAM ng helicopter ang bansang Brunei upang magsilbing transportasyon ng mga kalahok na atleta sa paglalabanang sports na Polo sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Miguel Romero Sports Club at Zobel Farm Polo Field sa Calatagan, Batangas.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na nagpasabi ang pangulo ng Brunei Olympic Committee na tutulungan nito ang Pilipinas sa pagho-host sa sports na Polo na siya mismong pinakaunang event na gagawin sa pagsisimula nito sa Nobyembre 22.

“Brunei will help us in the staging of the SEA Games,” sabi ni Tolentino.

“Magpapahiram sila ng isang helicopter para i-transfer ang mga athlete ng polo doon sa dalawang venue nila sa Calatagan,” sabi ni Tolentino.

Unang pagkakataon na magkakaroon ng helicopter para magsilbing transportasyon ng mga atleta na kalahok sa isang torneo partikular na sa sports ng polo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy