Una sa Balita

Brrr! Baguio City temperature bumagsak sa 9.4°C

0 337

NAITALA kahapon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (Pagasa) ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City na 9.4 degrees celcius.

Ayon sa Pagasa, alas-sais nang umaga kahapon pumalo ang pinakamalamig na temperatura mula nang magsimula ang amihan season noong Oktubre. Inaasahan ng ahensya na makakaranas pa rin ng ganitong lamig sa mga susunod na araw dahil sa peak season ng ha­nging amihan.

Sa kasaysayan, ang pinakamalamig na naitala sa Baguio City na tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas ay noong Enero 18, 1961 na nasa 6.3 deg­rees celcius.

Bukod dito, bababa ng 3 hanggang 2 degrees celcius ang ilang bahagi ng Benguet, Ifugao at Mountain Province.

Payo ng Pagasa, sa mga nagbabalak na bumisita sa Baguio na tiyaking may dalang panlaban sa lamig lalo na sa gabi hanggang sa mada­ling-araw. (Tina Mendoza/Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More