Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BRP ang Pangulo ratsada sa ayuda

0 207

Patuloy ang pagkakaloob ng ayuda ng presidential yacht na BRP Ang Pangulo na nagsisilbi ngayong bilang ospital para sa mga pasyente na naninirahan sa mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Odette’ sa Dinagat Islands noong Disyembre.

Nabatid na 233 residente mula sa anim na pamayaman sa mga isla ng Capaquian at Sibanac ang ginamot ng medical team na sakay ng BRP Ang Pangulo, ayon sa ulat ng Philippine Navy kahapon.

Bukod sa medical assistance, namahagi rin umano ng mga pagkain, damit at hygiene kits sa mga binagyong residente.

Kabilang ang BRP Ang Pangulo sa 26 barko na dinispatsa ng Navy para saklolohan ang mga lugar na dinaanan ng bagyong ‘Odette’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.