Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brownout sa Bohol inabot ng 14 oras

0 113

Inabot ng 14-oras ang power interruption sa probinsiya ng Bohol nitong Sabado.

Sa ulat ay nagsimula ang brownout sa probinsiya alas-sais ng umaga at inabot ng hanggang alas-sais ng gabi bago bumalik ang kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ang pagkaantala ng kuryente ay bunsod na rin ng

annual preventive maintenance ng kanilang 138kV submarine cable.

Sa kabila ng power interruption, nanatili pa rin ang operasyon sa Commission on Elections para sa filing ng certificate of candidacy ng mga kakandidato.

Leave A Reply

Your email address will not be published.