Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brownlee sumpa sa Meralco Bolts

0 128

Iisa lang ang nakikita ni coach Tim Cone na dahilan kaya apat na sunod tinalo ng Ginebra ang Meralco sa PBA Governors Cup crown.

Si resident import Justin Brownlee.

“The difference between us and Meralco over the last four years, the difference between me and (Bolts coach) Norman (Black) over the last four years is that I have, we have Justin Brownlee,” deklarasyon ni Cone matapos tuhugin ang kanyang 24th ring. “And that’s the bottom line.”

Sa unang tatlong title showdown, si Allen Durham ang isinagupa kay Brownlee. Ngayong taon, nagpahiyang si Black kay Tony Bishop.

Iisa ang resulta: Iyak sila kay Brownlee.

Sa anim na laro sa finals, nag-average si JB ng 28.8 points, 13.2 rebounds, 6.5 assists, 2.8 blocks at 1.5 steals tungo sa panlima niyang championship sa Gins.

Sa bisperas ng kanyang 34th birthday noong Biyernes sa MOA Arena, ikinalat ni Brownlee ang 17 sa kanyang 24 points sa third quarter para dispatsahin ang Bolts 103-92 sa Game 6.

Naka-two points lang ang Best Import sa first half, nang magsimulang kumayod ay kumalas na ang Gins.

“If Justin was on the other side, I think we would have a really hard time,” dagdag ni Cone. “But we have Justin all this time.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.