Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brownlee, mga import sisibat

0 244

HULING opsiyon na ng PBA ang pagtatayo ng bubble o semi-bubble para ituloy ang Governors Cup.

“Siguro kung wala na talagang ibang choice, saka na lang i-explore ‘yung mag-bubble o semi-bubble, lalo sa probinsiya,” pahayag ni commissioner Willie Marcial.

Bukod sa magastos ang lodging at accommodation, baka kapag dumayo sa labas ng Metro Manila ay mas maluwag na ang status ng NCR-Plus kaysa sa mga probinsiya.

“Baka by the time na mag-resume tayo baka mas tumaas pa ang mga kaso outside ng NCR,” dagdag ni Kume.

Ang usapan daw ng governors ay kailangang matapos ang season-ending tournament, kahit mag-all-Filipino ang teams.

Ibig sabihin ay posibleng pauwiin ang imports tulad nina Justin Brownlee, KJ McDaniels, Mike Harris, Paul Harris, Tony Bishop.

“Kung kinakailangang tapusin ito ng all-Filipino, ‘yung papauwiin na lang mga imports para bawas-gastos, gagawin,” giit ni Marcial.

Sinabi ni Games and Amusements Board chairman Baham Mitra na inendorso na ng ahensiya sa IATF ang resumption ng PBA sa ilalim ng home-venue-home setup.

“Si Mayor Vico (Sotto ng Pasig) pinapayagan na rin tayo,” paabot ng PBA chief. “Pero kailangan pag-usapan pa rin namin ng Board.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.