Una sa Balita

Brownlee lawit dila, walang pahinga sa OT game

0 344

BUONG 48 minutes ng regulation at 5 minutes sa overtime, babad sa Smart Araneta Coliseum si Justin Brownlee.

Walang labasan sa loob ng nakakalawit-dilang 53 minutes, kinailangan ng Ginebra ang serbisyo ng reigning Best Import ng PBA Commissioner’s Cup.

At muli ay binalikat ni Brownlee ang Gin Kings sa 110-107 win laban sa San Miguel Beer para iakyat ang defending champions sa even 3-3. Matapos makuha ang breakthrough win noong Biyernes, napigil sa 1-3 ang Beermen.

Kinumpleto ni Brownlee ang three-point play mula sa foul ni Christian Standhardinger 2 ½ minutes pa sa OT para iagwat ang Gins 107-102.

Pagkatapos ng floater ni Scottie Thompson na sinundan ng jumper ni Standhardinger sa 1:36-minute mark 109-106, wala nang basket na nilista ang magkabila.

Split sa free throw line si Chris Ross para idikit sa dalawa ang SMB, bago sinelyuhan ng isang charity rin ni LA Tenorio ang panalo.

Tumapos si Brownlee ng 39 points mula 16 of 27 shooting, may 15 rebounds, 5 assists, 2 blocks at 1 steal kontra 4 turnovers.

Bago nagsimula ang extra period, nag-sorry daw si coach Tim Cone kay Brownlee dahil hindi niya ipinahinga ito sa buong regulation. Wala raw problema sa import. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy