Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brownlee keber sa ankle injury

0 147

Laro Ngayon: (MOA Arena)
Game 3/Best-of-7 Finals
6:30pm – Ginebra vs Meralco
(Serye tabla, 1-1)

NAPILIPIT ang kaliwang paa ni Justin Brownlee sa kaagahan ng fourth quarter ng 99-93 win ng Ginebra sa Meralco nitong Miyerkoles sa MOA Arena.

Sa Game 2 win ay ibinuhol ng Gins sa 1-1 ang PBA Governors Cup.

Natapakan ni Brownlee ang paa ni Cliff Hodge sa isang play, kitang napapangiwi sa sakit ang resident import ng Ginebra.

Tinapos pa rin ni Brownlee ang laro sa tono ng 36 points, 13 rebounds, 9 assists.

Desidido siyang maglaro muli sa Game 3 ngayon sa Pasay venue pa rin.

“I hope not,” sagot niya nang tanungin kung pipigilin ng twisted left ankle. “Stuff like that happens sometimes, you twist it or sometimes you get a knee during the game.”

Back to zero ang best-of-seven, kanya-kanyang preparasyon muli.

“It doesn’t hurt. But right now, it’s feeling okay. Maybe later on, it’s a little bit sore. I will do whatever it can to deal with it. If it is hurting, I’ll play through it,” dagdag ni Brownlee.

Tatlong Bolts lang ang naka-double digits sa pangunguna ng 31 ni Tony Bishop at career-high 24 ni Aaron Black.

Sa kabila, double-double sina Scottine Thompson (16 points, 12 rebounds) at Christian Standhardinger (12-11). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.