Una sa Balita

Brownlee hindi masusulot ni Spo

0 466

WALANG balak si Ginebra coach Tim Cone na pakawalan ang kanyang prized import na si Justin Brownlee.

Kahit pa ang Fil-Am Miami Heat coach na si Erik Spoelstra ang makiusap.
Nasungkit ni Brownlee ang kanyang ikaapat na kampeonato sa PBA nitong Biyernes sa bisa ng 24 points, 10 assists at seven rebounds performance sa Game 5 win ng Ginebra kontra Meralco, 105-93.

“He is an NBA-caliber guy,” sabi ni Cone.

“I don’t think there’s any doubt and I’m not going to tell Erik Spoelstra that because Erik might scout him and steal him. Keep quiet on that, don’t want anybody coming over from the NBA and taking him away.”
Mukhang wala rin namang balak umalis si Brownlee, nakabinbin ngayon ang kanyang papel para maging naturalized Filipino citizen dahil napamahal na sa bansa. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More