Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Brownlee, Ginebra lumapit sa finals

0 137

Mga laro Linggo: (MOA Arena)

4:00pm — Meralco vs Magnolia

6:30pm — NLEX vs Ginebra

INILAPIT ni Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee ang nagtatanggol na kampeong Gin Kings sa posibleng pagbabalik kampeonato sa pagpapatikim sa NLEX Road Warriors ng 104-94 kabiguan sa Game 2 ng sarili nitong best-of-five semifinals series sa 2021 PBA Governors Cup sa MOA Arena kahapon.

Nagtala si Justin Brownlee ng 32 puntos, 9 rebounds, 6 assists, 4 steals at 2 blocks upang bitibtin ang Gin Kings sa krusyal na ikalawang sunod na panalo at mangailangan na lamang ng isa sa Linggo upang tuluyang walisin ang serye kontra Road Warriors at maipagtanggol muli ang hawak nitong titulo.

“It’s not yet over. We gonna work out our way into the finals, and a lot of guys stepped up, credit to the entire team,” sabi lamang ni Brownlee na pinasamalamatan ang mga fans at mga kakampi. “The beautiful fans, they come out always to the game to help us, and everyday each guys is working hard, they are always motivated.”

Tumulong sina Christian Standhardinger at Scottie Thompson na kapwa may 17 puntos. Si Standhardiner ay may 11 rebounds at 2 assists habang si Thompson ay mayroon namang 12 rebounds, 2 assists, 1 steal at 2 blocks.

“We’ve been doing a better job recenty,” sabi lamang ni Ginebra coach Tim Cone matapos ang panalo. “The stakes are getting higher. That Yeng Guaio team is really good and we have to come out. So far, so good. But the job is not done. In my mind it is simply far away, we have to still win on Sunday,” sabi pa ni Cone.

Umahon muna mula sa 11 puntos na pagkakaiwan ang mga Gin Kings bago nagawang itala ang pinakamataas nitong abante sa 18 puntos mula kay Standhardinger, 86-68, tungo na sa panalo.

Hindi naman naasahan ng Road Warriors ang import na si Cameron Clark na na-fouled out sa 6:30 ng laro. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.