Una sa Balita

Brownlee, Ginebra ‘di susuko sa Magnolia

By
0 1,338

Game 3 Ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
7 pm – Ginebra vs. Magnolia

SA itinatakbo ng semifinals series ng Magnolia Pambansang Manok at Ginebra, mukhang plakado na ng Hotshots ang Manila Clasico tormentor.

Dati ay hindi nakasingit ang Magnolia sa huling pitong paghaharap ng Gin Kings, pero dinalawahan ng team ni coach Chito Victolero ang two-time defending champions ng PBA Governors Cup.

Nakatanaw na sa Finals ang Hotshots, kinubra ang first two games huli ang 101-97 victory Lunes ng gabi.

Game 3 ng best-of-five mamaya sa Smart Araneta Coliseum, una sa tatlong tsansa ng Magnolia na sipain ang Gins.

“Again, winning two games is nothing. We have to win three,” giit ni Victolero. “Just prepare one game at a time. Sana proper mindset pa rin pag-prepare namin para sa Game 3.”

Tulad ng sa 106-98 win sa opener noong Sabado, si Romeo Travis ang bumitbit sa Hotshots sa isinumiteng 25 points, 12 rebounds at 7 assists.

Aminado si coach Tim Cone na para silang bumangga sa pader matapos mangibabaw sa eliminations.

“We’re certainly not playing well, but Magnolia has defended us brilliantly,” ani Cone, ejected higit 9 minutes pa sa laro sa pangalawang technical. “They’ve done a great job anticipating our adjustments and they continue to stay on the attack offensively.”

Nadalawahang sunod ang Gins, pero Never Say Die pa rin.

“There is no reason we can’t do the same and beat them twice,” dagdag ni Cone. “Then we’ll go from there.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy