Una sa Balita

Brownlee, Durham tuloy ang karibalan

0 441

Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – NorthPort vs. Alaska
6:45 pm – Ginebra vs. Meralco

NAKATAKDANG muling magsagupa ang pamilyar na magkaribal na Ginebra at Meralco sa pagbabalik ng PBA Governors Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang sunod na taon na nagharap ang da­lawa sa finals ng parehong torneo nitong 2016 at 2017, parehong ipina­nalo ng Gins kasama si Justin Brownlee.
Ngayong taon ay magkabuhol sa third spot ang magkaribal, kakalas mula 5-2 ang mananalo sa second game mamayang alas-6:45 ng gabi.

Nasa four-game winning run ang Ginebra, huling naligtasan ang Blackwater 101-93 nitong Miyerkoles.

Pero malaking isda rin ang nabingwit ng Bolts sa huling salang, ang grand slam-seeking San Miguel Beer 125-99 sa nakaraang Linggo.

“Now we got Meralco coming up, one of the league leaders and they’ve been playing well,” ani coach Tim Cone tapos ng Elite game sa Cuneta Astrodome. “They just blew out San Miguel.”

Sina Brownlee, ­Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, Scottie Thompson at Greg Slaughter pa rin ang mamuno sa atake ng Gin Kings.

Sa kabilang banda, mula sa 2016-2017 squad ay nagdagdag ang Bolts ng manpower kina big man Raymond Almazan, Allein Maliksi at Reymar Jose sahog kay Allen Durham.

“This version of Meralco is the best we’ve seen in the last three years,” dagdag ni Cone. “They have added some ­important pieces that have taken them to ­another level.”

Pamilyar na sa isa’t isa, inaasahan na ni Cone ang isa pang pukpukang laro.
“We had so many battles with Durham and that Meralco team. It’s going to be another one.”

Giniit ng coach na kailangang nilang maglaro “a lot, lot better” kontra Meralco kaysa sa Blackwater para manatili sa top four na twice-to-beat sa quarterfinals tapos ng 11-game eliminations.

Lumayo ng hanggang 72-51 ang Gins pero nalusaw sa apat na lang bago nakapag-regroup sa dulo. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy