Una sa Balita

Brownlee, Balkman ginatungan ang Alab

By
0 3,321

ITINALA ni Justin Brownlee ang record 46 puntos sa finals upang itulak ang Alab Pilipinas sa 143-140 overtime win kontra Mono Vampire sa Game 1 ng best-of-five title series ng ASEAN Basketball League (ABL), Linggo sa Sta. Rosa, Laguna.

Sinandigan muna ng Alab Pilipinas si Renaldo Balkman, na unang nagtala din ng record 46 puntos sa semifinals kontra Hong Kong Eastern, na nagsalpak ng ­follow-up sa papatapos na segundo para itabla ang laban at itulak sa overtime.

Winalis ng Alab ang apat na puntos na pagkakaiwan sa natitirang 19 segundo sa regulasyon bago itinala ang ilang bagong ­record sa kasaysayan ng liga sa Sta. Rosa Multi-­Purpose Complex.

Ibinagsak ni Brownlee ang finals-record na 46 puntos, dagdag ang 11 rebounds at siyam na assists, upang bitbitin ang tropa sa dagdag na 5 minuto ng giyera.

“I was amazed with the offensive showing we put on in a 45-minute game. I’m definitely not happy giving up 130 points. I’m proud of our guys. I know we have to be much, much better on Wednesday,” sabi ni Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag.

Ang iskor:

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS 143 — Brownlee 46, Balkman 39, Parks 27, Domingo 14, Raymundo 9, Javelona 8, Alabanza 0, Celiz 0, Hontiveros 0, Sumalinog 0, Urbiztondo 0.

MONO VAMPIRE 130 — Singletary 42, Zamar 25, Deguara 21, Brickman 15, Api­romvilaichai 14, Chanthachon 7, Klahan 6, Boonyai 0, Khukhandin 0, Phuangla 0.

Quarters: 26-32, 59-58, 87-87, 121-121, (OT) 143-130. (Lito Oredo)