Una sa Balita

Brownlee, 7 pa balik import

0 333

Mga laro sa Biyernes (MOA Arena)
4:30pm — Alaska vs. Columbian
7:00pm — NorthPort vs. Rain or Shine

TRENDING ang pagre-recycle ng imports sa Governors Cup.

Walo sa 12 reinforcements ng seson-ending conference ay nakapaglaro na dati sa PBA, lima ang ipaparada muli ng mga pinaglaruan nilang teams noong isang taon.

Siklab ang torneo sa Biyernes sa MOA Arena.

Pinili ng walo ang reinforcements na gamay na ang liga, ang mga kalaban at sistema ng kani-kanilang teams.

Una rito si Justin Brownlee na regular na sa Ginebra sapul noong 2016 at may tatlong titulo sa Gin Kings.

Nasa pangatlong salang sa PBA si Romeo Travis, pangalawang sunod niya sa Hotshots na inihatid niya sa titulo noong 2018.

Balik din si Eugene Phelps sa pang-apat na sunod na taon sa Phoenix.

Commissioner’s Cup pa lang ng nakaraang taon ay isinabak na ng NLEX si Olu Ashaolu, pero hindi pa nagsisimula ang conference ay inabot ng injury. Nakatatlong laro lang siya noong sa Road Warriors.

Muling isasagupa ng Bolts si Allen Durham, two-time Best Import awardee pero hindi rin naikampay ang Meralco. Silat ang Bolts sa Ginebra noong 2016 at 2017, taob sa Alaska sa semis noong 2018. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy