Una sa Balita

Brown umeksena, 2-0 ng Celtics pinitik!

By
0 1,767

WALA si veteran point guard Kyrie Irving sa kabuuan ng postseason, umeksena ang batang players ng Boston para ikahon ang 120-106 win laban sa Milwaukee.

Umiskor ng playoff career-high 30 points si second-year player Jaylen Brown, nagdagdag ng 23 points si Terry Rozier para sa Celtics na kumalas sa second half at nilista ang 2-0 lead sa kanilang first-round matchup, Martes ng gabi.
Uuwi ang Bucks at susubukang mag-regroup para sa Game 3 sa Biyernes sa Milwaukee.

Malaki rin ang kontribusyon ng Boston bench, na-outscore ang Milwaukee counterparts, 41-25. Nanguna sa Celtics reserves si Marcus Morris na may 18.

Lumayo ng hanggang 20 ang Celtics sa fourth, pero nagawang dumikit ng Bucks, 107-97 4:13 pa sa laro. Sumagot ang Boston ng 11-2 run na tinapos ng pabandang 3 ni Brown para muling lumayo, 118-99.

Tumapos si Giannis Antetokounmpo ng 30 points, nine rebounds at eight assists, may 25 points si Khris Middleton sa Milwaukee.

Malaking isyu ang turnovers ng Bucks na napuwersa sa 15 at nagresulta sa 21 points ng Boston. Inalat din sa stripe ang Milwaukee na 7-for-17 lang.

May tatlong turnovers lang ang Boston pagkatapos ng three quarters, nadagdagan ng apat sa fourth. Sa ikalawang sunod na laro ay zero turnover si Rozier.

“I’ve just got that confidence,” aniya. “My teammates, my coach, they trust in me to get everybody in their spots to run the plays.” (VE)