Una sa Balita

Brook Lopez uminit, Raptors dapa sa Bucks

0 234

NAGHAHABOL sa h­alos buong laro ang Milwaukee Bucks, pero nakuha ang ritmo sa stretch para agawan ng panalo ang Toronto Raptors 108-100 sa Game 1 ng Easter­n Conference finals M­iyerkoles nang gabi.

Nilista ni Brook L­opez ang 13 sa kanyang career playoff-high 29 points sa fourth, tumapos ng 24 points si Giannis A­ntetokounmpo at  i­sinara ng Bucks ang laro sa 10-0 run para makauna sa series.

Sablay ang final 8 shots ng Raptors, n­a-outscore pa 32-17 sa fourth.

Dumakdak si Lopez 2:20 sa laro para sa lead na hindi na binitawan ng M­ilwaukee, nagdagdag ng 3-pointer sa sumunod na posesyon para ilayo sa apat.

“I think this game definitely made us better,” ani Anteto-kounmpo.

Umayuda ng 15 points si Malcolm Brogdon, may 13 si Nikola Mirotic para sa Bucks, iho-host muli ang Game 2 sa Sabado (araw sa Manila).

Nagsumite si Kawhi Leonard ng 31 points, may 30 si Kyle Lowry sa Toronto na lumayo ng hanggang 13, abante pa 83-76 papasok ng final quarter.

Nagbaba pa ng 14 rebounds si Anteto-kounmpo, humablot ng 11 si Lopez. Nag-ambag si Khris Middleton ng 11 points at 10 rebounds sa Milwaukee na naghabol sa loob ng 37 sa kabuuang 48 minutes ng laro.

Sa umpisa ay hindi makaporma ang Bucks sa gitna ng malakas na hiyawan ng fans ng “Feer the deer! Fear the deer!”

Pitong sunod na tira ang naimintis ng Milwaukee, sa kabila ay apat na 3-pointers ang ipinasok ng Toronto sa loob ng 3 minutes bahagi ng 16-0 run na bumaligtad sa 8-3 deficit tungo sa 19-8 edge. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy