Una sa Balita

Bronny binato ng batang miron

0 411

DISMAYADO si LeBron James nang makarating sa kanya ang balitang binato ang kanyang anak na si Bronny James sa isang laro nito.

Sa video tweet ng netizen na si @dvar91, makikitang isang batang nanonood ng laro ang nagbato ng hugis pahaba habang gumagawa ng ‘inbound play’ si LeBron Jr.

Nag-alala naman ang tatay na si LeBron sa kanyang panganay pero proud dahil propesyunal na hinandle ito ng kanyang anak.

“Hating has no age limit!. #JamesGang is build for it and well equipped. As we proceed,” tweet ni LeBron (@KingJames).

Marami naman sa mga fan ang nabanas sa nasabing pangyayari at sinisisi ang magulang ng nagbato dahil hindi pinalaki nang tama ang bata. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More