Una sa Balita

Broner pupulbusin ni Pacquiao

By
0 608

BALIK na sa ensayo ngayong araw si eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao para sa January 19, 2019 fight niya kay former four-division ruler Adrien ‘The Problem’ Broner ng Amerika sa MGM Grand sa Las Vegas.

Isa sa mga gameplan ng Team Pacquiao ang pag-atake sa katawan ng 29-anyos na challenger, na masusi nitong ineensayo sa Wildcard Gym ng kanyang dating mentor na si Freddie Roach.

Ayon sa boxing analyst na si Ginoong Recah Trinidad, kung ngayon isasagawa ang upakan ng dalawang boksingero ay may kalalagyan si Broner sa ‘Pambansang Kamao’.

Tingin pa ni Mr. Trinidad, walang makmikitang kalawang sa porma at estado ng training ngayon ng 40-anyos nang si Pacquiao.

“Truth is there’s neither rust nor evident rush, only renewed intensity. One reason behind this could be the fact that Pacquiao will be fighting a younger, talented and very hungry challenger in Adrien Broner, 29, listed as a four division world champ who has never suffered a stoppage, wika ni Trinidad sa kanyang artikulo sa philboxing.com.

“But if the fight were held tomorrow, Broner would be at a terrible disadvantage. Unlike Pacquiao, he was still terribly over the limit as bared in the latest video from his training camp in Florida.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy