Una sa Balita

Broner delikado pero titimbuwang

By
0 923

INAMIN ng strength at conditioning coach ni Manny Pacquiao na si Justin Fortune na tala­gang delikado at mala­kas si Adrien Broner.

Sa panayam ng Fight Hub TV kay Fortune, sinabi nito na alam nilang hindi aniya papadehado si Broner sa laban na ito pero lalabanan ito ni ‘The Pacman’ hanggang dulo.

“Broner’s dange­rous. He’s gonna come in this fight in shape. So if [Broner] is on his game, I still choose Manny [by] late round stoppage. If he’s off his game, it’s an early round stoppage,” wika ni Fortune.

Hindi rin alam ni Fortune kung bakit gustong-gusto ng ‘Pambansang Kamao’ na ma-knockout si Broner at kung magagawa aniya ito ni Pacquiao, siguradong hindi siya mapi­pigilan.

“It’s good to see Manny wants those knockouts because when he does that he’s pretty much unstoppable,” sabi nito.
Naniniwala si Fortune na kahit mas matanda si Pacquiao kaysa kay Broner ay mapapataob pa rin niya ito gamit ang kanyang bilis at liksi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy