Una sa Balita

Broker, guro niratrat ng ‘tandem’ sa Pangasinan

By
0 253

PATAY ang real estate broker at isang guro ng kolehiyo habang malubhang nasugatan ang kanilang kasamahan nang ratratin ng riding-in-tadem noong Huwebes nang gabi sa harap ng restaurant sa Dagupan City, Panga­sinan.

Kinilala ni Dagupa­n City Police Station (DCPS) commander Jandale Sulit, ang dalawang biktima na sina Johnny Baniqued, 47-anyos, isang estat­e broker at baranga­y kagawad, at ang kasamahan nitong Universit­y of Luzon (UL) professor na si Oscar Fernandez.

Samantala, ang kanilang kasamahan na nagpapagaling ngayon sa ospital ay nakilalang si Peter Ramos, 44, ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, naganap ang insidente dakong alas-9:17 nang gabi habang papalabas umano ang mga biktima mula sa De Luxe Restaurant sa may Brgy. Tapuac at papasakay ng kanilang sasakyan nang biglan­g may humintong motorsiklo lulan ang dalawan­g hindi pa nakikilalang suspek.

Isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng .45 pistol ang mga biktima.

Napuruhan sina Baniqued at Fernandez sa iba’t ibang bahagi ng katawan sanhi ng kanilang pagkamatay.

Habang si Ramos ay agad na itinakbo sa ospital na ngayon ay under observation.

Narekober mula sa crime sceme ay ang 16 piraso ng basyo mula sa .45 pistol.

Ayon kay Sulit, patuloy ang isinasagawang follow-up investigation hinggil sa insidente.