Una sa Balita

Broadcaster inutas sa Dumaguete

0 309

PINAGBABARIL hanggang masawi ang isang broadcaster na si Dindo Generoso ng nag-iisang sala­ring lulan ng motorsiklo sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon nang umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Generoso, na block timer broadcaste­r ng DYEM 96.7 BI Radio, nang tamba­ngan sa kahabaan ng Hibbard Avenue, Barangay Piapi ng lungsod na ito dakong alas-7:30 nang umaga.

Nagmamaneho ang biktima ng kanyang kotse nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito.

Patungo sana sa kanilang himpilan para sa kanyang pang-umagang programa nang mangyari ang krimen.

Samantala, kinondena naman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang insidente at nanawagan rin ng hustisya para sa biktima.

Sa tala ng NUJP, si Generoso ang ikalawang mamamahayag na pinaslang sa Dumaguete City matapos ding itumba ang radio broadcaste­r na si Edmund Sestoso noong Abril 30, 2018. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy