Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bro. Eddie buwena-mano sa ‘Dear Charo’

0 189

Magiging bahagi ang mga manonood ng nakaka-inspire na usapan kasama ang award-winning actress at TV host na si Charo Santos sa pinakabagong programa sa FYE Channel na “Dear Charo” na mapapanood sa Pinoy livestreaming app na Kumu simula Lunes (Oct. 26).

Bukod sa pagiging host ng “MMK” na nalalapit nang mag-ere ng bagong episodes, handa nang ipakita ni Charo ang kanyang lighter side at maghatid ng masasayang kwento sa bagong digital platform. Makakasama niya bilang co-host ang ABS-CBN Creative Communications Management head na si Robert Labayen na nasa likod ng mga Christmas station ID ng Kapamilya network tulad ng “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko,” “Thank You for the Love,” at “Family is Love.”

SM food to go Banner Ad

Tampok sa pilot episode ng “Dear Charo” ang evangelical leader at Zoe Broadcasting Network founder na si Bro. Eddie Villanueva at ang aktres at “U-Turn” lead star na si Kim Chiu bilang guests.

Mapapanood ang “Dear Charo” tuwing Lunes, 8 pm sa FYE Channel. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.