Una sa Balita

Briton natagpuang patay

0 229

WALA nang buhay ng madiskubre ang isang 85-anyos na Bri­tish national sa loob ng tinutuluyang kuwarto, kamakalawa nang hapon sa Malate, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni ni P/Staff Sergeant Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang biktimang si John Charles Conder, na nanuluyan sa isang hotel sa P. Ocampo St., Malate.

Alas-12:50 nang hapon nang madiskubreng patay ang biktima ng hotel staff sa loob ng silid nito.

Nabatid na kinatok umano ng bell boy ang silid ng dayuhan para ipaalam na check-out subalit hindi umano sumasagot kaya napilitang gamitan ng duplicate key ang pintuan at doon na nalaman na walang buhay ang biktima.

Hindi naman kinakitaan ng palatandaan na pinatay ang biktima kaya hinala ng pulisya na namatay ito sa sakit. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy