Una sa Balita

British national, 2 pa nadagit sa Malate drug op

0 205

ARESTADO ang tatlong katao kabilang ang isang British national matapos makunan ng shabu sa isang anti-criminality operation kamakalawa nang hapon sa Malate,Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Police Station 9 ang mga suspek na sina Philip Joseph, 47-anyos, British national, collection legal manager at taga 19-E, Echelon Tower, A. Mabini St., Malate, Maynila; Josephine Olayao, 38, taga 135 P. Manahan St., Pasay City; at Rodolfo Del Rosario, 42, taga 133 P. Manahan St., Pasay City.

Ang mga suspek ay naaresto sa may A. Mabini St., Malate, dakong alas-singko nang hapon.

Sinita umano ang mga suspek ng mga pulis nagsasagawa ng anti-criminality operation at nang kapkapan ay nakuha sa kanila ang apat na sachet ng shabu.

Nakadetine ngayon sa MPD-GAIS, ang dayuhan at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, ng Art. II ng R.A. 9165 (Distribution and Possession of Dangerous Drugs) sa Manila Prosecutors Office.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy