Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Britain luksa sa pagpanaw ni Prince Philip

0 319

Nagluluksa ang Britain at mga lider ng iba’t ibang bansa sa pagpanaw ni Prince Philip, Duke of Edinburgh.

Inanunsyo ng Buckingham Palace ang pagpanaw ng 99-anyos na asawa ni Queen Elizabeth II nang higit 70 taon. Kamakailan lang ay nanatili ito sa ospital dahil sa heart surgery, bago bumalik sa Windsor Castle.

Kaugnay nito, piling miyembro lang ng Royal family ang dadalo sa sermonya ng libing at hindi bubuksan sa publiko dahil sa COVID-19 pandemic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.