Una sa Balita

Briones, Antonio markado sa 2019 WSC

By
0 540

May ilang buwan pa pero naghahanda na ang dalawa sa malulupit na sabungero sa bansa na sina Patrick “Idol” Antonio at Rey Briones para lahukan at depensahan ang kanilang titulo sa 2019 World Slasher Cup na magsisimula sa Enero 28 at magtatapos sa Pebrero 6 sa Smart Araneta Coliseum.

Pinupog ng mga panabong ni Antonio ang WSC-1 nitong Enero, pang-anim na niya habang kinikig ng manok ni Briones ang WSC-2 nakaraang Mayo.

Ginamit ni newspaper executive Briones ang sikat niyang Spartan Black sa eliminations bago ibinangga ang kanyang petmalu na Sweater Roundheads sa semifinals at finals upang tanghaling kampeon.

Inaasahang sasabak sina Antonio at Briones sa nasabing event dahil iba ang bakbakan sa WSC, matira ang matibay.

Ilan sa mga kilalang tigasing bigtime sabungeros ang posibleng bumalik at makasikwat muli ng titulo gaya nina Escolin brothers, Anthony Lim at Frank Berin na co-champions sa 2017 WSC-2.

Solo champion si Berin sa 2017 WSC-1.

Paniguradong muling dadayo sa Pilipinas para sumali sa WSC ang mga foreign contingent na mga cockfighting enthusiasts at top breeders mula Utah, California, Tennessee, Washington, Georgia at Alabama.