Una sa Balita

‘Bring Your Own Bottle’ campaign ipatutupad sa Tacloban

0 224

Ipatutupad na sa Tac­loban City ang kampanya na nag-uutos na isalin ang laman ng mga plastic product na nabibili sa mga pamilihan.

Ito ay bilang tugon sa kanilang pro-environment campaign na ‘refill revolution’ sa pamamagitan ng ‘Bring Your Own Bottle’ (BYOB) sa mga tindahan upang mabawasan ang paggamit ng plastic.

Kabilang dito ang pakiusap sa mga nagtitinda ng shampoo, toyo, mantika at ilang pang likido na obligahin ang mga mamimili na magdala ng kanilang mga refillable container para isalin ang nabiling mga plastic product at makakamenos pa sila sa gastos ng kanilang napamili at sa kalat na plastik.

Kasabay nito ang araw-araw na pagpapatupad ng ‘No Plastic Day’ campaign bilang tugon sa pagbabawas ng paggamit ng plastik at ma-promote ang green living sa rehiyon.

Ayon kay Tacloban City Councilor Aimee Grafil, araw-araw nilang ipatutupad ang ordinansa hanggang sa tuluyan na itong mai-ban kasabay ng pagla­labas ng city ordinance para sa environmental protection.

Nananawagan ang pamahalaan ng Tacloban City sa lahat ng grupo, organization at pro-environment group na suportahan ang kanilang ipinatutupad na reduce, reuse, at recycle sa siyudad. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy